
Presyo ng baboy kada kilo ngayon — liempo, kasim
Presyo sa palengke mula sa DA, may petsa.
Mag-reserveNoong 22 Oktubre 2026, ayon sa DA Daily Price Index, ang lokal na liempo ay ₱363.47/kg, kasim ₱306.65/kg at pork chop ₱309.24/kg sa mga palengke sa Metro Manila. Mas mura nang ₱57–93/kg ang imported. Mas mababa ang presyo kada kilo ng buhay na baboy — tingnan ang presyo ng buhay na baboy.
Presyo ng baboy kada kilo ayon sa hiwa
| Hiwa, lokal | 22 Okt 2026 | 1 Okt 2026 |
|---|---|---|
| Liempo | ₱363.47 | ₱371.71 |
| Kasim | ₱306.65 | ₱316.46 |
| Pork chop | ₱309.24 | ₱320.62 |
| Spare ribs | ₱305.71 | ₱312.19 |
Source: DA Daily Price Index, 22 Okt 2026 at DA Daily Price Index, 1 Okt 2026 — prevailing retail price, mga palengke sa Metro Manila.
Lokal at imported, 22 Okt 2026
| Hiwa | Lokal | Imported |
|---|---|---|
| Liempo | ₱363.47 | ₱306.25 |
| Pork loin | ₱361.61 | ₱269.09 |
| Pork chop | ₱309.24 | ₱240.44 |
| Kasim | ₱306.65 | ₱240.09 |
| Spare ribs | ₱305.71 | ₱239.81 |
| Pigue (hind leg) | ₱305.00 | ₱238.88 |
| Boston shoulder | ₱300.60 | ₱233.33 |
| Pork head | ₱236.04 | n/a |
Source: DA Daily Price Index, prevailing retail price sa mga palengke sa Metro Manila, 22 Okt 2026. Wala sa listahan ang giniling.
Karne at buhay na timbang
Buhay na baboy
₱208.73/kg sa Central Visayas, farmgate (PSA, Hunyo 2026).
Bakit mas mahal ang karne
Ang buhay na baboy ay binibili sa buong timbang — kasama ang buto, ulo at lamang-loob.
Buong baboy ang bibilhin?
Paano mag-order
Pumili at mag-reserve
Sagutan ang form sa ibaba.
Kukumpirmahin namin
Kasama ang petsa kung kailan handa na ang baboy mo.
Pick-up o delivery
Sa farm sa Ronda, Cebu, o delivery sa southwest Cebu. Cebu City kung mapag-uusapan.
Mga tanong
Magkano ang baboy kada kilo ngayon?
Noong 22 Okt 2026, ayon sa DA Daily Price Index: lokal na liempo ₱363.47/kg, kasim ₱306.65/kg, pork chop ₱309.24/kg at spare ribs ₱305.71/kg sa mga palengke sa Metro Manila. Nagbabago ang presyo araw-araw — tingnan ang petsa.
Magkano ang liempo kada kilo?
₱363.47/kg ang lokal at ₱306.25/kg ang imported noong 22 Okt 2026 (DA). Noong 1 Okt 2026, ₱371.71/kg ang lokal na liempo.
Magkano ang kasim kada kilo?
₱306.65/kg ang lokal at ₱240.09/kg ang imported noong 22 Okt 2026 (DA). ₱200–270/kg ang frozen na kasim noong 11 Okt 2026 (DA, ayon sa Inquirer).
Magkano ang giniling kada kilo?
Wala ang giniling sa daily index ng DA. Kadalasan, kasim o pigue ang ginigiling — ₱306.65/kg ang lokal na kasim at ₱305.00/kg ang pigue noong 22 Okt 2026.
Magkano ang baboy sa Cebu?
Metro Manila ang sakop ng daily index ng DA; wala pa kaming nakitang opisyal na listahan para sa Cebu ngayong Oktubre 2026. Buhay na baboy: ₱200.00/kg sa Cebu province (PSA, Hunyo 2026) — tingnan ang presyo ng buhay na baboy.
Nagbebenta ba kayo ng karne?
Hindi. Buhay na baboy ang ibinebenta namin mula Abril 2027 — buhay na baboy, baboy pang-lechon at biik. Mag-reserve gamit ang form sa itaas.
Gabay: presyo ng buhay na baboy · baboy pang-lechon · buhay na baboy na mabibili
